canadian pharmacy canada pharmacy online pharmacy reviews buy phentermine

Abante Tonight, Hayato Osawa, 7th Dan Shihan PDF Print Email
Thursday, 17 March 2011 00:00

Abante Tonight
Thursday, March 17, 2011

http://www.abante-tonite.com/issue/mar1711/sports_story08.htm

Darating sa Manila si Hayato Osawa, 7th Dan Shihan (master teacher) mula Aikido World Headquarters sa Tokyo, para magturo sa isang seminar mula March 26-27.

Kilala si Osawa Shihan sa kanyang kakaibang teknik, mula 1959 ay nagsasanay na sa Aikido headquarters.

Magsasagawa rin ng black belt examinations si Osawa Shihan sa Manila seminar na gaganapin sa basketball gym sa 9th floor, Golden Panda Dormtel, 447 E. Rodriguez Sr. Ave. cor. Banawe, Quezon City.

Ang iskedyul ng seminar: 9:30-11:30 a.m./3:30-4:30 p.m./ 5:00-6:30 p.m. ng parehong araw.

Ang ba­yad ay P1,000 ­(package sa lahat ng ­anim na sessions), at mat fee na P200 per session.

Sa ibang detalye, tumawag sa 09153330055 o mag-email kay Raul Rodrigo sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it .

Isang uri ng Japanese martial arts, ang aikido ay isang non-competitive discipline para sa epektibong self-defense at spiritual self-mastery.

Ang ‘aikido’ ay maaa­ring ipakahulugan bilang ‘the way (do) of harmonizing (ai) spiritual po­wer (ki)’at ipinakilala noong 1940s ni Morihei Ueshiba (O-sensei o great teacher sa aikido practitioners).

Ayon kay Ueshiba, kailangang naka-focus ang aikidoka habang sumasabay sa kalaban.

Taun-taon, nagbubuklod ang local aikido fede­rations Filipino Federation of Aikido, Philippine Aikido Propagation Association at Aikido Philippines para magkaroon ng aikido seminars ang mga ­Japanese teachers.

Last Updated ( Wednesday, 31 May 2017 00:41 )
 

Action Shots

No images